Manila, Philippines – Ipinanawagan ni Kabataan Representative Sarah Elago ang pagsasagawa na lamang ng independent probe sa ninja cop controversy.
Ito ay kasunod na rin ng pagsasagawa ng parallel investigation ng DILG sa isyu ng ninja cops kung saan nakakaladkad ang pangalan dito ni PNP Chief General Oscar Albayalde.
Giit ni Elago, independent probe ang dapat na gawin at huwag nang makisawsaw ang ibang ahensya upang maiwasan na mabahiran ito lalo pa at PNP chief ang nadadawit.
Hiniling din ni Elago ang pagpapanagot kay Albayalde sakaling mapatunayan ang pagkakasangkot nito sa mga ninja cops.
Ang pagkadawit aniya ng PNP chief sa mga ninja cops ay patunay na walang kwenta ang anti-drug campaign ng pamahalaan.
Kasama ang ibang mga progresibong grupo, nagkilos protesta ang mga ito sa harap ng Kampo Krame para ipapanawagan din ang pagbibitiw ni Albayalde.