Index crime, bumaba ng mahigit 21% mula Enero hanggang Marso

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na pagbaba ng insidente ng krimen sa buong bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, bumaba ng 21.68% ang index crime mula Enero hanggang Marso ngayong 2024 kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakalipas na taon.

Ang index crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, robbery, rape, theft at carjacking.


Pinakamalaki ang iniulat na pagbaba sa insidente ng rape na mula sa 1,984 cases sa nabanggit na panahon noong nakaraang taon sa 955 insidente ngayong taon o 51 porsyentong naitalang pagbaba.

Maliban dito, malaki rin ani Fajardo ang ibinaba ng insidente ng carnapping ng motorsiko mula sa 60 insidente noong isang taon sa 30 kaso ngayong 2024 sa kaparehong panahon.

Facebook Comments