Blackwater Bossing, natapos ang winning streak; pinayuko ng NLEX, 103-97

Nakuha ng NLEX Road Warriors ang ikatlong sunod na panalo matapos ilampaso ang Blackwater Bossing sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup.

Nagtapos ang laban sa score na 103-97 sa pangunguna ni Robert Bolick na may 21 points, at tig-9 na rebounds at assists.

Dahil dito, napaganda pa sa 4-1 ang record ng NLEX bago ang kanilang bakasyon dahil sa Holy Week at PBA all star break.


Pinuri naman ni Road Warriors assistant coach Borgie Hermida si Bolick na naging all around pagdating sa opensa at depensa.

Nitong linggo lamang, nagtala si Bolick ng career high na 46 points sa laban ng NLEX kontra Converge Fiber Xers.

Hindi naman nagpapa-kampante si Bolick at ang team lalo na’t makakaharap nilang sunod ang malalakas na koponan gaya ng San Miguel Beermen, TNT Tropang Giga at Barangay Ginebra.

Si Jong Uichico ang nagsisilbing in-charge ngayon sa team habang nagpapagaling si Coach Frankie Lim na nagtamo ng injury sa kamay matapos tamaan ng bola.

Samantala, sa panig ng Blackwater ay natapos na ang kanilang winning streak at bumagsak ang record sa 3-1.

Facebook Comments