Bumaba sa 33% ang index crime rate sa lungsod ng Caloocan.
Ayon kay Caloocan Police Chief Col. Dario Menor, nakapagtala ang lungsod ng 426 na krimen mula Enero hanggang Setyembre.
Hindi hamak na bumaba ito sa 634 na naitalang crime rate cases sa lungsod noong nakaraang taon sa kaparehong mga buwan.
Ang bilang ay mula sa pangunahing walong krimen kabilang ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.
Matatandaang noong 2016 ay naging “hotbed” ng extra-judicial killings o EJKs ang lungsod.
Facebook Comments