Malaki ang ibinaba ng index crime sa pagsisimula ng administrasyong Marcos, kumpara sa index crime sa halos unang dalawang taon ng administrasyong Duterte.
Sa joint National and Regional Peace and Order Council meeting sa Malacañang, iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na sa 196,519 index crime volume mula Hulyo 2016 hanggang Abril 2018, bumaba ito sa 71,544 mula Hulyo 2022 hanggang ngayong Abril 2024.
Bumaba rin sa 15.04% mula sa 21.92% ang average monthly crime rate, at 63.79% na pagbaba sa focus crimes tulad ng theft, physical injury, robbery, rape, murder, carnapping, at homicide, na umabot lamang sa kabuuang 71,133.
Habang naitala naman ang 98.88% total crime clearance efficiency, at 82.69% total crime solution efficiency rate mula Enero 2023 hanggang Marso 2024.
Pinuri naman ni Abalos ang nagpapatuloy na crime prevention programs, public safety initiatives, at pinagsamang aksyon ng DILG at PNP para sa pag-protekta sa publiko.