Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na naging peaceful at manageable ang crime situation sa bansa mula Setyembre 18 hanggang Setyembre 23, 2022.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge, Police Lieutenant General Jose Chiquito Malayo, kapansin-pansin ang pagsadsad ng Peace and Order Indicator (POI) sa loob ng nasabing panahon kumpara noong Setyembre 12 hanggang Setyembre 17, 2022.
Ani Malayo, 50.86% ang ibinaba ng POI sa Luzon; 55.30% sa Visayas; at 40.53% sa Mindanao.
Samantala, mula sa 524 sumadsad pa sa 371 ang index crimes sa bansa.
Ang index crimes ay kinabibilangan ng homicide, physical injury, rape, crimes against property tulad ng robbery, theft, carnapping o carjacking at iba pa.
Maliban dito, sinabi rin ni Malayo na bumaba rin ang non-index crimes na ngayon ay nasa 2,198 na lamang mula sa dating 4,560 o nagkaroon ng 51.80% na pagbaba.