Ilagan City, Isabela- Bumaba ngayong taon ang Index Crime o criminalidad sa Rehiyon Dos kumpara noong nakaraang taon sa ginanap na pulong sa Regional Peace and Order Council o RPOC sa City Ilagan.
Batay sa ibinahaging Statistics Data ng PNP na may kaugnayan sa Peace and Order sa Rehiyon, nangunguna ang probinsya ng Isabela na bumaba sa 203 mula sa 329 kaso noong nakaraang taon.
Sumusunod naman ang Cagayan na mula sa insidenteng 362 ay bumaba ito sa 182 ngayong taon, bumaba naman sa 150 mula sa 195 insidente na naitala sa probinsya ng Nueva Viscaya, habang tumaas naman sa walong insidente ang Santiago City mula sa otsentay dos noong 2017.
Labing dalawa naman ang itinaas ng probinsya ng Quirino mula sa dalawamput walong insidente habang nanatili naman sa anim na insidente ang probinsya ng Batanes.
Kaugnay nito, sa datos ng kasong Physical Injury ay nasa 3.42 % na lamang, 18.45 % sa kasong Pagnanakaw, 9.23 % sa kasong Robbery, 8.72% sa kasong Rape, 6.25 % sa kasong Murder, 5.95 % sa kasong Carnnaping at 3.42% naman ang ibinaba ng kasong Homicide.
Samantala, bumaba naman sa 18.49% o 1, 538 na kaso ng Non-Index Crime, kumpara sa datos noong nakaraang taon na mayroong 1, 887 na insidente.