Index crimes ngayong Enero, bumaba ayon sa PNP

Bumaba ng 49.20 % ang bilang ng mga index crime na naitatala sa bansa, batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Directorate for Investigation and Detection Management o DIDM Director Police Major General Marni Marcos, kung ikukumpara sa 5,124 na index crime noong January 2020, bumaba ito sa 2, 603 ngayong January 2021.

Kabilang sa index crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.


Paliwanag ni Marcos, ang dahilan ng pagbaba ng mga krimen ay dahil sa paghihigpit sa quarantine at dahil na rin sa enhanced managing police operations.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng non-index crime.

Noong January 2020 may 15, 242 naitalang non-index crime, tumaas ito sa 16, 276, kasama na rito ang iba’t ibang maliit na krimen tulad ng paglabag sa community quarantine.

Facebook Comments