MMC, gagawa ng panuntunan bago ipatupad ang pagbubukas muli ng mga sinehan

42

Inihayag ngayon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na gagawa ng guidelines ang Metro Manila Council (MMC) bago ipatupad ang pagbubukas muli ng sinehan.

Sa ginawang presscon sa tanggapan ng MMDA, sinabi ni Chairman Abalos na nakatakdang magsagawa ng pagpupulong mamayang gabi ang MMC upang talakayin ang naturang usapin.


Paliwanag ni Abalos, hindi naman dapat umano magtalo-talo kung bubuksan ang mga sinehan dahil kinakailangan lamang ang tamang pamantayan at seguridad hinggil dito.

Dagdag pa ni Abalos dapat aniyang timbangin ang ekonomiya at kalusugan ng mamamayan para matiyak ang kanilang kaligtasan at hindi naman umano tutol ang MMC sa muling pagbubukas ng mga sinehan, basta’t huwag lamang biglain.

Facebook Comments