India – nakasungkit ng panibagong world title matapos magluto ng halos 1000-kilo ng Khichdi

India – Isang world record na naman ang nasungkit sa India!

Ito ay matapos makapagluto ng celebrity chef na si Sanjeev Kapoor at limampung volunteer ng mahigit siyam na daang (918) kilo ng Khichdi.

Ang Khichdi ang isang uri ng Indian food na gawa sa kanin at lentejas o beans.


Ito ang naitalang pinakamadaming nailuto na Khichdi sa buong mundo.

Niluto ito sa custom-made na kawali na 7-feet ang haba at may kapasidad na isang libong (1000) litro sa harap ng mga manonood sa world food India 2017.

Ang world record attempt ay personal na nasaksihan ng mismong ang mga opisyal ng Guinness.

Nang maluto, ipinamahagi ang Hichdi sa mga slum area sa Dehli region sa India.

Facebook Comments