Umaasa ang India na muling makakapag-deliver ang kanilang bansa ng mga bakuna kontra COVID-19 sa COVAX Facility at sa iba pang bansang nangangailangan nito.
Ito ay matapos mahinto ang paggawa ng bansa ng mga bakuna nang sumirit ang kaso sa bansa.
Ayon kay Serum Chief Executive, Adar Poonawalla, pinag-uusapan nang mabuti kung muling ipagpapatuloy ang pag-deliver ng bakuna dahil aabot sa 1.3 bilyong mamamayan sa nasabing bansa ang nagpositibo sa sakit.
Ang Serum Institute of India ang pinakamalaking vaccine maker sa buong mundo kung saan idine-deliver nito ang AstraZeneca-Oxford vaccine papunta sa iba pang bansa.
Facebook Comments