Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang Indian national dahil sa pangho-hoard o pamamakyaw at pagbebenta ng overpriced na thermal scanner sa kanilang isinagawang entrapment operation sa loob ng isang ospital sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang nadakip na banyaga na si Mukesh Chandwani, 31 anyos, isang account manager at residente ng Stella Maris, Pasig City.
Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na batay sa reklamong kanilang nakuha, ibinebenta ng Indian ang thermal scanner sa halagang 5000 piso sa kabila na ang Department of Trade and Industry (DTI) suggested retail price nito ay 3,400 pesos lamang.
Sa entrapment operation nakuha sa suspek ang apat na kahon ng thermal scanner na may halagang aabot sa 590,000 pesos at 2000 pisong buy bust money.
Sa ngayon nahaharap na ang mga suspek sa mga kasong Republic Act 7581 (Price Act), Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) at “Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying”.