Indian national at sekyu – pinagbabaril sa Quiapo, Maynila

142

Manila, Philippines – Agad na naisugod sa ospital ang isang Indian national matapos na tambangan sa Evangelista Street, Quiapo, Maynila.

Kwento ng mga saksi – kabababa lang ng van ng dayuhan at papasok na sana sa tindahan nitong jfm optical supply nang biglang siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Sugatan din ang security guard ng tindahan matapos na gumanti ng putok sa mga suspek.


Sa ngayon, wala pang pagkakakilanlan ang indian national at ang sekyu habang inaalam pa rin ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments