Chris Bosh, binitawan na ng Miami Heat

139

Sports – Tuluyan nang binitawan ng Miami Heat ang 3-time NBA champion star na si Chris Bosh dahil sa kanyang blood-clot issues.

Ayon kay Heat President Pat Riley – ireretiro nila ang no.1 jersey ni Chris Bosh para sa pagbibigay pugay sa nai-ambag ng basketbolista sa kanilang koponan.

Si Chris Bosh ay isa sa pinakamagaling na manlalaro sa kasaysayan ng Miami Heat franchise.


Kabilang si Bosh sa tinawag na Miami Heat big 3 simula noong nagsama-sama sila ng mga superstars na sina Dwyane Wade At Lebron James noong 2012 kung saan nakapagtala sila ng 2 kampeonato sa loob ng apat na taon.

Naglaro si Bosh ng 13 NBA seasons, pito ay sa koponan ng Toronto at anim sa Miami at nagtala ng 19.2 points at 8.5 rebounds sa kanyang career.

Facebook Comments