Nahuli na matapos ang apat na taong pagtatago sa batas ang isang Indian national na may kasong pagdukot at serious illegal detention.
Ayon kay Police Major Mike Diaz ng PNP Anti-Kidnapping Group kinilala ang suspek na si Amit Bansal, na naaresto sa operasyong Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Brgy. Inirangan, Bayambang, Pangasinan.
Siya ay kinasuhan dahil sa pagdukot sa kanyang kapwa Indian national.
Hinuli ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Tomas Ken Romaquin ng RTC Branch 25 sa Biñan, Laguna noong 2018.
Sa ngayon nanatili sa kustodiya ng PNP-AKG headquarters sa Camp Crame ang naarestong suspek.
Facebook Comments