COMELEC debates, magsisimula sa unang linggo ng Marso

Ipinagpaliban ng Commission on Elections (COMELEC) ang debate ng national candidates para sa Eleksyon 2022.

Ayon kay Comelec Director Elaiza David, ito ay magsisimula dapat ngayong buwan ngunit inusog ito sa unang linggo ng Marso dahil on-going pa rin ang preparasyon para dito.

Sinabi rin ng COMELEC na magkakaroon ng tatlong presidential at vice-presidential debates at “hybrid” ang magiging set-up nito kung saan ang kandidato ay live na dadalo habang virtual naman ang partisipasyon ng mga manonood.


Facebook Comments