Indiana Pacers – babawi sa game 3 matapos ang dalawang sunod na talo kontra Cavaliers

18

NBA – Naitala ng Cleveland Cavaliers ang ikalawang panalo nito matapos pataubin sa game 2 ng kanilang best-of-seven series ang Indiana Pacers.

Sa iskor na 117-111, pinagtulungang dispatsahin ng tinaguriang “big 3” na sina Kyrie Irving (37 points), Kevin Love (27 points) at Lebron James (25 points) ang Pacers.

Sa kampo naman ng Pacers, nanguna si Paul George na nakagawa ng 32 points habang si Jeff Teague naman ay may 23 points.

Ayon kay Indiana Pacers Coach Nate Mcmillian – sa Huwebes ay gagawin nila ang lahat para makabawi sa game 3.
Nation

Facebook Comments