Facial optical illusions ng isang Canadian makeup artist – viral sa social media

30

Canada, Philippines – Viral ngayon sa social media ang mala-mind blogging facial optical illusions na make-up style ng 31-year old makeup artist mula Vancouver, Canada.

Pinauso ni Mimi Choi, isang dating school teacher ang nasabing optical illusions na personal niyang ginagawa sa kanyang mukha.

Simula nang mag-viral, humakot ng higit 140-libong followers sa instagram si Choi na hangang-hanga sa kanyang obra.

Nilinaw naman ni Choi na hindi photoshop ang kanyang makeup at katunayan, umaabot ng limang oras bago siya makatapos ng isang makeup session.
Nation

Facebook Comments