Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 198 na indibidwal na naaresto matapos lumabag sa umiiral na Commission on Elections o COMELEC gun ban.
Batay sa datos ng PNP, may panibagong 21 na indibidwal ang nahuling lumabag kaya umabot na sa 198 ang mga naaresto.
Dahil sa panibagong mga naaresto, umabot na sa 67 ang mga nakumpiskang baril, deadly weapons at mga bala.
Sa bilang na 67, 14 ay mga baril at 45 ay mga bala.
Ang COMELEC gun ban ay nagsimula nitong January 9, 2022 at magtatagal hanggang June 8, 2022.
Ginagawa itong paghahanda para maging payapa at maayos ang gaganaping local at national elections sa bansa.
Facebook Comments