Ilang tauhan ng BuCor, sinibak sa pwesto matapos ang pagkakatakas ng 4 na preso

287

Sinibak sa tungkulin ang acting superintendent ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) na si Correctional acting Supt. Arnold Guzman.

Kasunod ito ng pagkakatakas ng apat na preso sa Bilibid nitong Lunes.

Kinumpirma ni Justice Usec. Deo Marco na pansamantalang uupo bilang acting NBP Correctional Supt. si Roy Villasi.


Bukod kay Guzman, sinibak din ang Commander of the Guards na si Senior Inspector Israel, Chief Inspector Jeofrey Dangpason ng Diversified Maintenance Unit at ang ilang duty prison guard ng NBP nang maganap ang insidente.

Dalawa sa mga nakatakas na bilanggo ang napatay matapos makipagbarilan sa mga awtoridad habang hinahanap pa ang dalawang iba pa.

Facebook Comments