Indigenious Peoples, Kabilang sa Programa ng TESDA!

Cauayan City, Isabela – Kabilang ang Indigenious Peoples o IP’s sa mga programa ng TESDA sa buong bansa. Ito ang naging pahayag ni TESDA National Secretary Atty Guiling Gene A. Mamondiong sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan.

Sinabi ni Atty Mamondiong na ang programa ng TESDA ay para sa lahat na nag-nanais magkaroon ng skills training lalo na sa mga IP’s.

Ang nasabing special program ay inihayag ni Atty Mamondiong sa katatapos na dayalogo kahapon sa Quirino kasama ang katuwang ng TESDA na Technical and Vocational Institute.


Giit pa ni Secretary Mamondiong na nakapaloob sa programa na hindi na kailangan ang educational attaitment o high school graduate para lumahok sa skills training.

Bibigyan din umano ng food and transportation allowance ang mga sasailalim sa programa hindi lamang sa lalawigan ng Quirino kundi maging sa buong bansa.

Kinakailangan lamang na magsadya sa tanggapan ng TESDA Provincial Office at magbigay ng sertipikasyon bilang patunay na isang IP’s.

Facebook Comments