Ang tatlong-araw na Community-Based Training on Fish Processing and Preservation with Product Packaging and Labeling; Product Pricing and Costing ay pinangunahan ng Department of Trade and Industry R2 Isabela sa pamamagitan ng inisyatibo ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Local Government Unit ng Divilacan.
Ito ay nilahukan ng nasa 43 IPs partikular na ang low-income family heads, single parents, at adolescent mothers sa naturang lugar.
Bilang resulta ng naganap na pagsasanay ay nakagawa sila ng iba’t ibang produkto katulad ng fish longganisa, fish tocino, fish nuggets, smoked fish, tapang isda, galunggong sardines, at bagoong.
Tinuruan din sila ng tamang product pricing at costing ng kanilang produkto na ibebenta sa merkado.
Binigyan din sila ng kaalaman sa kahalagahan ng product packaging at labeling upang maakit ang atensyon ng target na merkado.