INDIGNATION RALLY | DAR empolyees, tinutulan ang umano’y mala-tiraniyang pamumuno ni Secretary Castriciones

Manila, Philippines – Nabalot ng tensyon ang Department of Agrarian Reform (DAR).

Ito ay matapos na pigilan ng mga guwardiya ang sabay-sabay sana na paglabas sa kani-kanilang mga departmento at opisina ang napakaraming mga empleyado sa ilalim ng DAREA o DAR Employees Association.

Ito ay para magsagawa ng kilos protesta laban sa tinawag nila na mala tiraniyang pamumano ni DAR Secretary John Castriciones.


May ilang miyembro ng DAR employees ang nakalabas at nagsagawa ng 12 noon indignation rally sa harap ng DAR.

Sumama rin sa rally ang grupong COURAGE o Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees.

Facebook Comments