Indignation Rally Laban sa mga Rebelde, Isinagawa ng Mamamayan ng Didipio

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng indignation rally ang mga residente ng barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya upang kondenahin ang mga karahasang ginagawa ng mga New People’s Army (NPA).

Sa panayam ng 98.5 iFMCauayan kat SSg Jake Lopez ng 502nd Infantry Brigade sa regular na programang Sentro Serbisyo, kanyang sinabi na habang isinasagawa ang rally ay sinunog ng mga mamamayan ng nasabing barangay ang bandila ng CPP-NPA-NDF upang ipakita na ayaw nila sa mga ito.

Napagkasunduan aniya ito ng mamamayan sa lugar matapos ang pagpapaliwanag ng mga sundalong nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) tungkol sa problema sa insurhensya sa bansa.


Isa pa sa naging dahilan ng pagsasagawa ng indignation rally ay nababahala umano ang mga magulang para sa kanilang mga anak dahil sa mga nababalitaang ginagawang pagrerekrut ng mga NPA sa hanay ng mga kabataan.

Bukod dito, inihayag din ng mga residente ang suporta sa pamahalaan at pakikiisa sa mga programang makakatulong sa pang-unlad ng bansa’t mamamayan.

Facebook Comments