Manila, Philippines – Makikipagtulungan na ang Indonesia at Malaysia sa Pilipinas para sugpuin ang terorismo sa bansa.
Ayon kay Indonesian Defense Minister Ryamizard Ryacudu – magsasagawa ng joint patrols ang mga militar ng tatlong bansa sa mga baybayin ng Mindanao partikular sa sulu sea para matiyak na hindi makapapasok ang mga terorista sa rehiyon.
Dadag pa ni Malaysian Defense Minister Hishammuddin Hussein, ilulunsad din ang air patrols sa ika-19 ng Hunyo.
Itatayo rin ang mga joint command posts kung saan idaraos ang mga military exercises.
Handa na rin ang Indonesia at Malaysia na maglaan ng karagdagang pwersa sa pilipinas sa oras na lumala ang sitwasyon.
Samantala – bukas sa palasyo ng Malakanyang sa pagsasagawa ng joint patrols.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella – malaki ang maitutulong kung magsasanib pwersa ang mga bansa sa pagtugis sa mga terorista.
DZXL558