Iminungkahi ni dating Inter-Agency Task Force (IATF) Special Adviser Dr. Tony Leachon na mapasama ang Indonesia sa mga bansang isinailalim sa travel ban dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.
Paliwanag ni Leachon, ang Indonesia ay nakararanas ng surge at malapit din sa border ng Pilipinas.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sapat na ang pagpapatibay ng border protocol kaysa dagdagan ang mga bansa sa travel ban.
Sa ngayon, ang mga bansang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman, at United Arab Emirates ang kasama sa travel ban hanggang July 15.
Facebook Comments