Indonesia, malaking banta sa Philippine surfing team sa SEA Games

Malaking banta para sa Philippine surfing team sa nalalapit na Southeast Asian Games ang Indonesia.

Ayon kay Daisy Valdez, miyembro ng national team – posibleng maging hadlang ang Indonesia para makamit nila ang gintong medalya dahil mas matagal na ang karanasan ng Indonesian surfers sa global surfing.

Pero lalo pang tataas ang kumpiyansa ng koponan sa pagdating ng kanilang reinforcement.


“Kasi ang Indonesia, syempre andyan na talagang sila nauna sila sa history of surfing. Marami silang surf spot at marami silang nasasalihan na mga WSL na mga COMSO advantage nila ‘yun. Pero ang advantage ng Pilipinas is dito nga gaganapin at pam-break natin.” Sabi ni Valdez.

Gaganapin ang kauna-unahang surfing sa kasaysayan ng SEA Games sa La Union.

Facebook Comments