Japanese PM Abe, tinawag na ‘kontrabida’ ng NoKor

Tinawag na ‘tanga’ at ‘kontrabida’ ng North Korea si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Ito ay matapos igiit ng Japanese leader na paglabag sa U.N. Sanctions ang weapons tests ng Pyongyang sa kanilang ‘super-large multiple rocket launchers’ noong October 31.

Banat pa ng state news agency ng North Korea, huwag nang mangarap si Abe na makakatapak pa sa kanilang bansa.


Kontra rin ang North Korea sa U.S-South Korean Joint Military Exercises dahil itinuturing nila itong banta ng pananakop.

Facebook Comments