Magbibigay ng pabuya ang mga awtoridad sa Indonesia sa kung sinumang sasagip sa buwaya na mayroong hindi matanggal-tanggal na gulong sa leeg.
Kahaharapin ng matapang na kalahok ang 13 talampakan (4 metro) na buwaya sa tubig-alat sa Palu, Central Sulawesi.
Ilang taon nang sinusubukang tulungan ng lokal na conservation authority ang hayop, ngunit bigo ang mga ito.
Naging usap-usapan ang lagay ng buwaya nang mag-viral ang bidyo kung saan makikitang naghahabol ito ng hininga.
Nag-aalala ang ilan na unti-unting pinapatay ng gulong ang hayop.
Naglabas ang ahensya ng ilang detalye tungkol sa misyon, ngunit hindi pa tinutukoy ang eksaktong halaga ng perang pabuya.
Nagbabala naman si Hasmuni Hasmar, puno ng Central Sulawesi Natural Resources Conservation Agency — na nagsabing sa sarili niyang bulsa manggagaling ang pera — na kinakailangang may kaalaman sa wildlife rescue ang sasabak sa gawain.
Habang pinakiusapan naman ang publiko na huwag gambalain ang buwaya at tirahan nito.