Indonesia, naghigpit sa posibleng pagpasok ng Maute Group sa kanilang bansa

36

Manila, Philippines – Naghigpit na ang Indonesia sa posibleng pagpasok sa kanilang bansa ng mga tumatakas na miyembro ng Maute mula sa Pilipinas.

Nagtalaga na sila ng mga armadong tauhan para sa northern Borneo para sa pagbabantay.

Nakahanda na rin ang kanilang mga fighter jets para sa ikakasang airstrike para matiyak na walang sinumang miyembro ng maute ang makakalusot.

Bukod sa Indonesia, ang Malaysia ay naka-full alert na ang kanilang military.

Facebook Comments