Tatlong miyembro ng Maute Group, nahuli sa Iloilo

184

Manila, Philippines – Nahuli ang tatlong miyembro ng Maute Group sa Iloilo port kahapon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang mga nahuli ay kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae na galing pa ng Cagayan De Oro.

Ang isa pa nilang kasamahan ay patuloy namang pinaghahanap.
Pagdaong ng barko dito sa Iloilo, kaagad na naaresto ng coast guard ang tatlo habang ang isa ay bigong mahuli.

Sa interview ng RMN kay iloilo Police Provincial Office Spokesperson, Chief Insp. Aaron Palomo – nanatiling ligtas ang Iloilo sa anumang banta ng terorismo pero mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga pumapasok sa kanilang probinsya.

Hawak pa rin ng PCG ang mga nahuling militante habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Facebook Comments