Indonesia, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

World – Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Sulawesi Island sa Indonesia.

Sa tala ng US Geological Survey, naramdaman ang epicenter ng lindol sa timog silangan ng Palu na may lalim na siyam na kilometro.

Tumagal ng 20 segundo ang paggalaw ng lupa.


Sa ngayon, wala pang nakataas na tsunami warning.

DZXL558

Facebook Comments