Indonesian Defense Minister Ryaizard Ryacudu, ibinunyag na nasa 1,200 na miyembro ng Islamic State ang nasa Pilipinas

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Indonesian Defense Minister Ryaizard Ryacudu na 1,200 ang miyembro ng Islamic State (IS) group na nasa Pilipinas, kabilang na ang 40 indonesians.

Sa talumpati ni Ryacudu sa isang International Security Forum sa Singapore, tinawag niyang ‘killing machines’ ang Maute Group na nakikipaglaban sa ilalim ng IS flag.

Nanawagan si Ryacudu na magkaroon ng regional cooperation para labanan ang mga terorista.


Kaugnay nito, nagulat si Philippine Defense Undersecretary Ricardo David na dumalo rin sa naturang forum, ang ibinunyag na impormasyon ng Defense Prime Minister ng Indonesia.

Sa pagkakaalam umano ni David, nasa 200 hanggang 400 na IS fighters lamang ang nasa bansa at nasa 40 lamang ang mga foreign IS fighters ang naka-base sa Pilipinas.
DZXL558

Facebook Comments