Liderato ng Senado, kinalampag ang PAGCOR para isailalim sa counselling ang mga taong nasira ang buhay dahil sa pagsusugal sa casino

Manila, Philippines – Kinalampag ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isailalim sa counselling ang mga taong nasira ang buhay dahil sa pagsusugal sa casino.

Ginawa ni Pimentel ang panawagan matapos kilalanin ng pulisya ­nitong linggo ang lala­king namaril at nanunog sa Resorts World Manila na ikinasawi ng 37 katao dahil sa suffocation.

Ang lone gunman ay nakikalang si Jessie Javier Carlos, 42, isang Filipino, at dating empleyado ng Department of Finance (DOF).


Nalulong umano ito sa casino at nabaon sa utang sa bangko bukod sa iba pang pagkakautang.

Samantala, sa isang pahayag ay iginiit ng PAGCOR na tinututulan nito ang gambling addiction.

Tinitiyak umano ng ahensya na mahigpit na ipinatutupad ang res­ponsible gaming hindi lamang sa mga PAGCOR-operated gaming establishments kundi sa lahat din ng licensees nito mula sa integrated resorts hanggang electronic gaming sites.
DZXL558

Facebook Comments