Industriya ng pagmimina, muling palalakasin ng DENR

Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na muling palakasin ang industriya ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay DENR Undersecretary Analiza Rebuelta-Teh – hindi dapat sinasayang ang mineral deposits ng bansa lalo na at marami ang makikinabang dito.

Tiniyak din ng DENR na mayroon silang polisiya at regulasyon para mapangalagaan ang kapaligiran at mga komunidad sa minahan.


Samantala, inilunsad din ng DENR ang kanilang information campaign na #mineresponsibility na layong ipaalam sa publiko ang mga benepisyo ng responsableng pagmimina.

Facebook Comments