Cauayan City, Isabela- Pinuri ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang provincial government ng Quirino matapos makapag-establish ng Industry Board bilang pagsunod sa RA RA 11230 o kilala bilang ‘Tulong Trabaho Act’.
Ang nasabing batas ay naaayon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa at nagpapabuti sa technical-vocational skills ng mga Pilipino.
Ipinaabot ni TESDA Provincial Director Vilma Cabrera ang kanyang mensahe na paalalahanan ang mga Quirinian na maaaring pagbutihin ang buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga oportunidad para sa trabaho at dapat nating bigyan ng kapangyarihan ang bawat isa at lahat.
Bilang karagdagan, binigyang diin din ni Governor Dakila Carlo Cua ang kahalagahan ng paglikha ng Industry Board sa publiko sapagkat ito ay magsisilbing oportunidad sa trabaho sa mga Quirinian at sabay na mag-ambag sa pag-unlad ng pamumuhunan sa lalawigan.