Para kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, dapat lang na maisama na ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa immunization program ng pamahalaan.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Salvana na hindi na mawawala talaga ang COVID-19 at magiging endemic na naman aniya ito.
Binigyang diin ni Salvana na malaki ang nagagawa ng bakuna upang mapigilan ang pagkakaruon ng severe disease dulot ng COVID virus kayat makabubuting maisama na talaga ang COVID-19 vaccine roll out sa programa ng gobyeno.
Ilan sa mga bakunang bahagi ng immunization program ng pamahalaan ay tuberculosis, poliomyelitis, diphtheria, tetanus, pertussis at bakuna laban sa tigdas.
Samantala, inihayag ni Salvana na dahilan ng naitatalang pagtaas sa kaso ng virus ay dahil sa paglaganap ng BA4 at BA5 variant, pagkalimot sa paggamit ng face mask at paghina ng immunity.