DOJ Secretary Remulla, nagtalaga ng OIC sa NBI

Itinalaga ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla bilang officer in charge ng National Bureau of Investigation (NBI) si NBI Assistant Director Atty. Medardo de Lemos.

Ito ang kinumpirma mismo ni Remulla sa inilabas niyang Department Order.

Una nang nakipagpulong si Remulla kay De Lemos kaugnay ng pagkamatay ng ilang high-profile inmates ng New Bilibid Prison (NBP).


Ayon kay Atty. Mico Clavano ng Office of the Secretary ng Department of Justice (DOJ), nais kasi ni Remulla na malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga preso sa Bilibid

Magugunitang naghain noon ang NBI ng reklamong murder sa DOJ laban sa 22 pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatalaga sa Bureau of Corrections, kaugnay sa pagkamatay ng 8 Bilibid inmates na sinasabing nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments