Showbiz – Kumpiyansa si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na mananalong Miss Universe 2017 ang pambato ng pinas na si Rachel Peters.
Hindi naman daw sa pagiging “bias”, pero naniniwala siyang deserve ni Peters na masungkit ang ika-apat na korona ng Miss U para sa Pilipinas dahil sa “perfect package” na performance nito sa preliminaries.
Patok rin daw sa mga hurado ang pausong “infinity walk” ng Bicolana Beauty Queen.
Si Wurtzbach ay isa sa mga magsisilbing hurado sa coronation night ng Miss U 2017.
Gaganapin ito sa Linggo, November 26, sa planet Hollywood sa Las Vegas kung saan host pa rin ang American-comedian na si Steve Harvey.
Samantala, bagong calendar girl ng Tanduay ang aktres na si Erich Gonzales.
Ayon kay Edzel Ty, assistant brand manager ng tanduay perfect si Erich para sa kanilang brand lalo na kung kaseksihan at tibay ng loob ang pag-uusapan.