Inaasahang babagal pa ang inflation ngayong taon at sa 2020.
Ito ay matapos ibaba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation outlook.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno – mula sa 2.9% ay ibinaba ito sa 2.7% ngayong taon habang nasa 3% naman ang forecast mula sa 3.1% sa susunod na taon.
Resulta ito ng pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado at paglakas ng halaga ng piso.
Ang projection naman ng BSP ngayong 2019 sa halaga ng piso kontra dolyar mula 52.06 ay magiging 52.01 at sa 2020 mula sa 51.78 ay magiging 51.50.
Nakikita ng BSP na epekto ito ng mabagal na inflation nitong Mayo, mababang Gross Domestic Product (GDP) at pagbawas sa singil sa kuryente at mababang presyo ng ilang produkto.
Hindi naman magkakaroon ng pagbabago sa interest rate ng BSP sa tinatawag na overnight reverse repurchase na mananatili sa 4.50%.
Nananatiling matatag ang interest sa overnight lending and deposit facility.
Posibleng magkaroon ng monetary easing dahil positibo ang pananaw ng inflation ng bansa.