Party-list Coalition, pumipili pa rin ng susuportahang house speaker

22

Manila, Philippines – Pinag-iisipan pa rin ng Party-list Coalition kung sino ang susuportahan nilang maging house speaker sa 18th Congress.

Ayon kay Ako-Bicol Representative Alfredo Garbin Jr. – bloc voting pa rin ang kanilang sistema at sama-sama silang pipili kung sino ang karapat-dapat sa pwesto.


Pero sa ngayon, inaantay pa rin nila kung sino ang i-eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaasahang i-aanunsyo sa June 28.

Ang Party-list Coalition ay itinuturing ikalawang pinakamalaking bloc sa Kamara kung saan masusi nilang tinalakay ang credentials at commitments ng tatlong pinagpipilian nilang kandidato bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.

Facebook Comments

From Advertisers