Nangungunang alalahanin pa rin ng mayorya ng mga Pilipino ang inflation.
Sa tugon ng masa survey ng OCTA Research para sa unang quarter ng 2024, 66% ng mga Pinoy ang nagsabing most urgent national concern nila ang pagkontrol sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Sinundan ito ng concern sa abot-kayang pagkain, 44%; dagdag-sahod, 44%; paglikha ng mas maraming trabaho, 33%; at pagbabawas ng kahirapan, 30%.
Panghuli naman sa alalahanin ng mga Pilipino ang paghahanda sa banta ng terorismo at Charter Change.
Samantala, pagiging malusog naman ang “most urgent personal concern” ng pito sa bawat sampung Pilipino habang 57% ang nagsabing nais lamang nila na may makain sa araw-araw.
Facebook Comments