INFLATION | Pagtaas ng presyo ng bilihin, asahan pa bago matapos ang Setyembre – BSP

Manila, Philippines – Asahan na sisipa pa ang presyo ng bilihin bago magtapos ang buwan ng Setyembre.

Ito ang naging pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa isinagawang Saturday news forum sa Quezon City, sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na inaasahan ng mga economic managers na papasok pa lamang ang report sa idudulot sa inflation rate ng epekto ni bagyong Ompong.


Ayon sa BSP official, hindi naman ito ang unang pagkakataon na tumaas ang inflation.

Nangyari na aniya ito noong 1980s kung saan umabot pa sa 40 percent ang inflation rate ng bansa.

Tiniyak naman ni Gunigundo na may mga ginagawa ang pamahalaan upang mapagaan ang epekto nito.

Kabilang dito ang binuong composite team na magmo-monitor sa presyo at kalidad ng bigas at sa pagpapatupad ng simplified importation rules.

Posibleng bumaba na ang inflation sa target na 2 hanggang 4 percent pagsapit ng 2019 hanggang 2020.

Facebook Comments