Inflation rate at pagtaas ng presyo ng bilihin, dapat paghandaan

Pinayuhan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion ang publiko na maghanda sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa epekto ng giyera ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Concepcion, hindi lamang ang mga presyo ng bilihin ang inaasahang tataas kundi maging ang inflation.

Aniya, makakatulong ang pagbaba sa Alert Level 1 ng bansa para mas maraming negosyo ang magbukas at mas maraming hanapbuhay ang manumbalik.


Sinabi pa ni Concepcion na makakatulong din sa ekonomiya ng bansa kung magpapahiram ng bangko ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) para lumago ang kanilang negosyo.

Facebook Comments