Pangulong Duterte, nais na manatiling neutral kaya wala pang napipiling kandidato para i-endorso sa pagkapangulo

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling neutral o walang kinikilingan kaya wala pa itong napipiling kandidato para i-endorso sa pagkapangulo.

Ayon sa pangulo, hindi siya nagmamadali sa pagpili at pag-anunsyo ng kandidatong kanyang susuportahan sa pagkapangulo at sa katunayan aniya ay wala siyang naiisip sinuman sa ngayon para i-endorso.

Dagdag pa ng Pangulo na walang siyang kinausap na kahit na sino sa mga kumakandidato ngayon sa pinakamataas na pwesto kahit pa nagpadala ito dati ng emisaryo na magalang naman niyang tinanggihan.


Muling iginiit ng pangulo na mag-aanunsyo lamang siya ng kandidatong susportahan kung may compelling reason para gawin ito.

Facebook Comments