Positibo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babagal pa ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa pagtatapos ng taon.
Ito ay makaraang bumaba sa 3 percent ang inflation sa ikalawang quarter ng 2019.
Mas mababa ito kumpara sa 3.8 percent noong 1st quarter ng taon.
Ayon kay Department of Economic Research Director Dennis Lapid – nakikita nilang babagal pa ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin kaya ibinaba rin nila ang inflation expectations.
Pinanatili ng BSP ang proejection nito na 2.7 percent inflation rate para sa buwan ng Hunyo.
Target din ng BSP ang 3 percent sa 2020.
Facebook Comments