Bumagal ng 2.2% ang galaw ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo para sa buwan ng Abril.
Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito kung ihahambing sa 2.5% registered na naitala noong buwan ng Marso at 3% na mababa kung ikukumpara noong kaparehong panahon noong 2019.
Dulot naman ito ng pagbagsak ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Gayundin ang paghina ng pang ekonomiyang aktibidad sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas posibleng bumagal pa ng hanggang 1.9% o 2.7% ang inflation rate dahil sa mababang gastusin sa transportasyon at nagagamit ang natitipid na pera bilang pambili ng bigas at ibang food items.
Facebook Comments