Probable COVID-19 cases sa Pasay, naitala sa 805

Umakyat na sa 223 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Pasay City.

Sa datos na inilabas ng Pasay Public Information Office (PIO), nakapagtala ang lungsod ng 805 ng probable cases habang nasa 14 lamang ang kanilang suspected cases.

Samantala, patuloy naman na nadagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 kung saan umabot na ito sa 21.


Gayuman, tumaas naman ang bilang ng mga pasyenteng naka-recover sa Pasay na umaabot na sa 59.

Ito ay mula sa 14 na barangay sa nasabing lungsod.

Facebook Comments