Inflation rate, bumaba ng 5.1% noong December – PSA

Bumaba ng 5.1% ang inflation rate sa buwan ng Disyembre.

Batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay
0.9 percent na mababa kung ihahambing sa 6% noong Nobyembre.

Taliwas ito sa inaasahan lalo pa at tuwing Disyembre malimit sumisipa ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin dahil mas maraming pera at malaki ang konsumo ng mga mamimili.


Isa sa mga tinukoy na dahilan ng pagbaba ay ang sunod-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Nakatulong din ang pagbaha ng mga murang bigas sa merkado kasunod ng ginawang rice importation ng NFA.

Mas mababa rin ito sa inaasahang datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 5.2% to 6%.

Kumpiyansa ang gobyerno na mas bababa pa ang inflation rate sa unang bahagi ng taong 2019.

Facebook Comments