Inflation rate mas tumaas pa

Manila, Philippines – Tumaas sa 2.5% ang inflation rate nitong buwan ng Disyembre 2019.

Mas mataas ang inflation rate kumpara sa 1.3 percent na naitala noong Nobyembre.

Pero higit na mababa pa rin kumpara sa 5.2 percent inflation rate na naitala noong December 2018.


Nakikitang dahilan ng pagtaas ng inflation ang nagtaasang presyo ng mga pangunahing bilihin nitong holiday season gayundin ang sunod-sunod na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Dahil dito, naitala ang 2.5 percent na average inflation rate para sa buong 2019.

Pero ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) – pasok pa rin naman ito sa 2% hanggang 4% na target ng gobyerno.

Facebook Comments